Mmlim14's Blog

Repleksyon sa Nakaraang Kalamidad

Posted on: August 13, 2012

Noong isang linggo, dumating ang isang malakas na bagyo at marami ang napektuhan. Dahil sa lakas ng ulan, nagkaroon ng baha sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas. Maraming tao ang nawalan ng bahay at mga gamit nila. Sa linggo na umulan nang malakas, kami ay hindi na pumasok sa pag-aralan. Noong natapos na ang ulan, gumawa ng relief operation ang Xavier. Ang pangalan nito ay: COD o Call of Duty. Sa relief operation na ito, ang iba’t ibang mga estudyante ay pumunta sa Xavier at nagtulungan para makagawa ng mga relief goods para maidala sa mga nangangailangan. Maraming laman ang mga relief goods. Ito ay may bigas, instant noodles, canned goods at tubig. Ang mga estudyante at mga guro ng Xavier ay nagdala ng mga ito para maibigay sa mga naapektuhan sa baha na dala ng bagyo. Hindi ako nakapunta sa Xavier para makatulong, pero sumama ako sa aking kapatid para pumunta sa bahay ng kanyang kaklase para makatulong din sa pag-repack ng mga relief goods. Ang klase ng aking kapatid ay gumawa ng sarili nilang relief operations dahil puno na ang Xavier at nagsisiksikan na ang lahat. Sa bahay ng kaklase ng kapatid ko, ako ay nagtulong sa pagbubuhat ng sako ng bigas, pagbilang ng mga instant noodles at canned goods at pagdala ng mga relief goods sa trak na magdadala nito sa Xavier. Sa paggawa ng mga ito, marami akong bagong nakilala at noong natapos na ang lahat ng aming gawain, kaming lahat ay sabay-sabay na kumain ng hapunan. Sa pagtapos ng araw, kahit na masakit na ang aking katawan sa mga binuhat ko, masaya pa rin ako dahil habang ginagawa ko ang mga gawain ko, marami rin akong bagong nakilala at naging kaibigan. Masaya rin ako dahil alam ko na nakapagtulong ako sa mga kapwa kong Pilipino.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: