Mmlim14's Blog

Artista ng Dekada

Posted on: February 3, 2012

Para sa akin, ang artista ng dekada ay si Adam Young o baka mas kilala ninyo sa pangalan ng Owl City. Dito sa artikulo na ito ay sasabihin ko kung bakit ko siya napili para maging artista ng dekada.

Si Adam Young o Owl City ay isang “one-man band.” Ang kahulugan na ito ay mag-isa lang siya sa kanyang banda. Gumagamit siya ng mga kompyuter para makagawa ng iba’t ibang klase ng musika. Ang klase ng musika na ginagawa niya ay ang “electronic music” pero marunong din siyang gumamit ng ibang instrumento kagaya ng gitara at and piano. Sa ngayon, nakagawa na siya ng tatlong album at ginagawa na niya ang kanyang pang-apat na album. Ang album niyang “Ocean Eyes” ay umabot sa “Top 10 Albums” at umabot din ito sa “Top 10 Most Downloaded Albums” sa Amazon. Noong Abril 2010, naging Platinum na ang kanyang album na ito. Ang single niyang “Fireflies” ay naging una sa US at Canada. Naging quadruple-platinum din ito.  Maliban dito, ang ibang mga kanta na nagawa niya ay ang mga kantang: “Vanilla  Twilight” at “Umbrella Beach.” Ang isa pa niyang album ay ang “All Things Bright and Beautiful.” Sa album na ito, kasama ang mga kantang: “Aligator Sky”, “Galaxies” at “Deer in the Headlights.” Masasabi ko na ang Owl City ay dapat maging artista ng dekada ay dahil maliban sa paggamit ng mga kompyuter para gumawa ng mga kanyang kanta, marunong din siyang gumamit ng iba’t ibang klase ng instrumento. Nakikita natin ito sa ginawa niyang mga kanta sa isang proyekto niya na “Sky Sailing.”

Bago siya ay naging kilala sa pangalang Owl City, si Adam Young ay nagsimula sa paggawa ng musika sa ibaba ng bahay ng kanyang magulang sa Minnesota.  Bago siyang nadiskubre ng Universal Republic, inilalagay niya ang kanyang mga nagawang musika sa kanyang Myspace sa Internet. Sinasabi niya na ang kanyang inspirasyon para gumawa ng ganyang klase ng musika ay disco at ang electronic music na galing sa Europa.

Maliban sa sinabi ko, may iba pang rason kung bakit ang Owl City ang dapit maging artista ng dekada. Sa tingin ko, kayang-kaya ni Adam Young maging artista ng dekada.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: