Mmlim14's Blog

Liham Sa Magulang

Posted on: February 2, 2012

Mahal kong Magulang,

Giagawa ko itong liham para sabihin sa inyo na gusto kong magkaroon ng sarili kong cellphone. Dito sa liham na ito ay sasabihin ko kung bakit maari ninyong bigyan ako ng cellphone.

Ang unang dahilan na pwede na akong magkaroon ng sarili kong cellphone ay dahil matanda na ko at mas responsable na ako ngayon. Baka kasi inaakala ninyo na kapag bnigyan ninyo ako ng cellphone, mawawala ko ito. Dapat ninyong alamin na hindi na ako bata at mas responsable na ako ngayon kumpara sa dati. Ang pangalawang dahilan na maaari na akong magkaroon ng sarili kong cellphone ay para makatawag ako sa inyo kapag may problema o kapag may tatanungin ako sa inyo. Kapag may cellphone na ako, matatawag ko kayo nang agad-agad at hindi ko na kailangang maghintay para kayo ay umuwi. At kapag may sarili na akong cellphone, maari rin kayong tumawag sa akin kapag may sasabihin kayo.

Ito ay ilan lamang sa mga dahilan na gusto kong magkaroon ng sarili kong cellphone. Sana ay pag-isipan ninyo ito at sang-ayon kayo sa akin.

Inyong Anak,

Miguel

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: