Mmlim14's Blog

Aking SoundtrACXS

Posted on: October 24, 2011

Ang mga estudyante na H2 ng Xavier ay nagkaroon ng interaction sa mga H2 estudyante sa AC. Noong dumating ang lahat ng mga estudyante ng Xavier sa AC, sinimulan na ang paggawa ng mga maliliit na grupo para makipag-usap ang mga estudyante na galing sa dalawang paaralan. Ang iba sa amin ay mabilis na nakipagusap sa kanila, pero may isa na hanggang ligaw tingin lamag dahil mahiyain siya. Alam ko ano ang nararamdaman niya dahil naranasan ko rin iyon dati kaya para hindi na ako maging mahiyain, nakinig ako nang mabuti sa mga sinabi sa Gentlemanliness Talk at naitaga ko ito sa bato para hindi ko ito malilimutan. Nakita ko rin ang iba na kapit-tuko sa kanilang damit dahil hindi rin sila marunong makipag-usap sa mga babae. Noong nagsimula na ang mga gawain para sa araw na iyon, ang ibang grupo ay nakapagtapos nang mabilis na parang kidlat sila sa bilis. Ang grupo naman namin ay kilos-pagong dahil nagkaguluhan kami sa grupo. Sa pagtapos ng interaction, marami akong natutunana sa mga kagrupo ko. Nalaman ko na isa sa amin ay matalas talaga ang ulo at matataas lagi ang grado.  Ang ACXS interaction ay nagpapakita ng Inovation built on Tradition na ang tema ngayon ng XS55 dahil ang ACXS interaction ay laging ginagawa, pero ngayon, marami ang binago gamit ang bagong teknolohiya para mas gumanda pa ito.

 

1 Response to "Aking SoundtrACXS"

Mahusay ang nabuong blog! Wasto ang mga salitang ginamit sa pangungusap at maayos din ang daloy nito. Akma rin ang mga talinghagang ginamit! Ipagpatuloy ang paglikha ng mga makabuluhang gawain!

marka: A+

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: