Mmlim14's Blog

Ondoy VS Pedring

Posted on: September 28, 2011

Noong Setyembre 26, 2009, dumating ang bagyong Ondoy sa ating bansa. Ngayon, dalawang taon pagkatapos ng bagyong Ondoy, ang bagyong Pedring ay dumating sa ating bansa. Maraming tao ay nagsasabi na ang bagyong Pedring ay kapatid ni Ondoy dahil sa lakas ng dalawang bagyo.

Ang bagyong Pedring ay nakarating sa Pilipinas noong Setyembre 26, 2011. Sinabi ng Pagasa na ang bagyong Pedring ay sumunod sa parehong daan ng Ondoy. Sinabi rin na ang hangin mula sa bagyong Pedring mas malakas kaysa sa Ondoy, pero ang bagyong Ondoy ay nakapagbuhos ng mas maraming ulan kumpara kay Pedring.  Dahil dito, umabot ng 19.13 metro ang lalim ng tubig sa Marikina River. Ang bagyong Pedring ay nakapagbuhos ng ulan sa bilis ng 15-25 mm bawat oras. Malayo naman ito sa pagbuhos ng Ondoy na ang bilis niya ay 56 mm bawat oras. Ang mga hangin ni Pedring ay masmalakas kumpara sa mga hangin ni Ondoy. Ang hangin ni Pedring ay umabot ng 160 kilometro bawat oras habang ang hangin ni Ondoy ay hanggang 80 kilometro bawat oras lamang.

Ang total na pamilya na naapektuhan ni Ondoy ay umabot ng 986,825 na pamilya. Ang total na gastos ng Pilipinas sa mga nasirang imprastraktura ay umabot ng 11.o6 B pesos. Dahil sa mga nagawa ni Ondoy sa Pilipinas, ang pamahalaan ay naging mas handa para sa mga sumusunod na bagyo. Dahil dito, hindi kasing laki ang pinsala na nagawa ni Pedring sa Pilipinas kumpara sa nagawa ng bagyong Ondoy.

Sources: http://www.gmanews.tv/story/233442/nation/ndrrmc-typhoon-pedring-will-not-be-like-ondoy, http://www.gmanews.tv/story/233579/nation/marikina-river-nears-ondoy-water-level, http://newsinfo.inquirer.net/65509/‘pedring’-harks-back-‘ondoy’-memories-storm-signals-raised-in-luzon-areas, http://en.wikipedia.org/wiki/Typhoon_Ketsana#Philippines

1 Response to "Ondoy VS Pedring"

Maganda ang daloy ng pangungusap. Pinapakita nito ang ano kayang gawin ng dalawang bagyo. Walang kinikilingan into

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: