Mmlim14's Blog

Praktis, Praktis, Praktis!

Posted on: August 12, 2011

Magandang araw! Ito ay si  Miguel Lim pero mas alam niyo ata ako sa pangalan na Melonboy. Ako ay isang basketbolista pero dapat ninyo malaman na hindi ako laging ganito. Ito ay ang aking kwento.

Noong nasa elementaryo ako, nakita ko ang mga laro ng NBA at PBA at noon ko nalaman na gusto ko pala ang paglalaro ng basketbol. Pagpasukan na, sinasabi ko sa mga kaklase ko na maglaro kami ng basketbol, pero sinabi nila na ayaw nila makipaglaro kasama sa akin dahil hindi raw ako magaling. Ayaw rin nila makipaglaro sa akin dahil medyo mataba rin ako noong bata pa ako. Dahil dito, pinagtatawanan nila ako habang naglalarao kami ng basketbol habang PE at kapag ako ay naglalaro nito nang magisa sa korte ng eskuwelahan. Hindi ko na rin pinansin ang mga insulto nila at nagpraktis na lamang ako. Noong nakapasok na ako sa mataas na paaralan, mas pinagtawan ako ng mga kaklase ko dahil sinabi ko na maglaro kami ng basketbol at mataba pa rin ako noong oras na iyon. Ayaw nila ako ipasali sa mga laro nila habang sila ay naglalaro sa hapunan at uwian. Dahil dito, nagpraktis na lamang ako sa korte na nasa parke na malapit sa aking bahay. Noong pagkatapos ko ng mataas na paaralan, natutunan ko ang mga iba’t ibang mga galaw sa basketbol at naging magaling na ako sa paggawa ng mga ito. Pagkapasok ko na ng kolehiyo, pumayat na ako sa pagprapraktis ko ng basketbol at naging matangkad din ako. Sinabi ko sa coach ng team sa kolehiyo na gusto kong sumali roon. Noong nagkaroon ng mga tryouts, sumali ako at nakasali ako sa basketbol team. Ang mga kasama ko sa aking koponan ay hindi makapaniwala noong nakapasok ako sa team. Pinagtawanan nila ako sa mga praktis namin at ayaw nila ako ipasali sa mga laro nila. Naaalala ko ang mga karanasan ko sa elementaryo at sa mataas na paaralan at hindi ko rin pinansin ang katotohanan na pinagtatawanan nila ako at iniinsulto ako. Matiyaga akong nagpraktis at pagkalipas ng ilang buwan mas magaling na ako kumpara sa mga kasamahan ko sa aking koponan. Pagkalipas ng isang taon, malapit na ang unang laro namin. Mas lalo akong nagpraktis para makahanda sa unang laro namin habang ang ibang mga tao sa koponan ay walang ginagawa. Pagdating ng panahon ng unang laro namin, pakiramdam ko na handang-handa na ako para sa laban namin ngayon. Ang problema ko lang ay ayaw ako pasukin ng aking coach at sinabi niya na substitute lamang ako. Pagkalipas ng dalawang quarter, natatalo kami ng limang punto. Nagkaroon rin ng problema ang isang maglalaro sa susunod na parte ng laro at sinabi ng coach na pumasok na ako. Noong ako ay naglalaro na, hindi ako kinabahan dahil alam ko na handa na ako para sa laro na ito. Pagtapos ng laro, nanalao ang koponan ko dahil sa aking tulong. Pagtapos ng gabing iyon, binigyan na ako ng respeto ng mga kasamahan ko sa aking koponan at natuwa na ako.

Nakita ninyo na dapat huwag tayo huminto sa paghahabol ng ating pangarap at gawin ang lahat para makuha natin ito. Huwag kang sumuko kahit na pinagtatawanan ka na ng ibang tao at gawin mo lamang ang gusto mo para maabot mo ang iyong pangarap. Sana natutunan ninyo ito sa pagbabasa ng aking kwento.

1 Response to "Praktis, Praktis, Praktis!"

1. Alalahanin ang tamang paggamit ng mga panhalip sa pangungusap.
2. Sanay ginamit na lang ang “basketbol court” imbis na “korte”.
3. Sana’y nagkaroon pa ng interaksiyon (interaction) sa mambabasa, hindi lang sa huling bahagi. Mas mainam kung talagang nakikipag-usap sa iyong mga tagahanga.
4. Nauunawaan ang ideya at organisado ang nilalaman. May ilan lang na kailangan pang ayusin sa loob ng pangungusap, gaya ng mas akmang salita sa dapat gamitin upang mas maging malinaw ang nais sabihin.
5. Kulang pa ang tinig/Voice na ipinakita sa sanaysay.
6. May ilang salita sa mali ang pagkakagamit sa pangungusap, at may kakulangan din sa ilang bahagi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: