Mmlim14's Blog

Ang Gabi Noong Nasaksak Ko Ang Sarili Ko

Posted on: August 9, 2011

Noong ako ay maliit pa, mayroon akong natutunan. Ito ay: Huwag paglaruan ang kutsilyo. Ang masama lang dito ay natutunan ko ito sa pagsasaksak ko sa sarili ko noong ako ay maliit pa. Hanggang ngayon, hindi ko makakalimutan ang aking karanasan na ito.

Noong gabi nasaksak ko ang sarili ko, ako ay na sa bahay ng aking lolo. Ako ay apat  na taong gulang pa lamang noong ito ay nangyari. Matutulog ako sana sa bahay ng lolo ko. May dala rin akong laruan doon sa bahay ng aking lolo. Habang pinaglalaruan ko ito sa gabing iyon, naubusuan siya ng baterya at hindi ko na siya magamit. Binigay ko ito sa aking tito para maayos niya ito. Ang sabi niya ay kumuha ako ng mga baterya at kanyang Swiss Army Knife na nasa kwarto niya sa baba para mapalit niya ang mga baterya ng laruan ko. Pagkakuha ko na ng baterya, pumunta ako sa kanyang kabinet para kunin ang kutsilyo. Pagkakuha ko nito, lumabas ang kanilang aso at sinundan ako ng aso nila doon. Sa oras na iyon, ako ay takot pa sa mga aso at noong nakita ko ito, ako ay natakot at sinubukan kong saksakin ang aso gamit ng Swiss Army Knife ng aking tito para takutin ito. Akala ko kasi, kapag nakita ng aso na hinahawak ko ang kutsilyo, matatakot siya at aalis siya sa kwarto. Habang ginagawa ko ito, hindi ko nakita na nasaksak ko na pala ang sarili ko sa aking hita dahil sa ginawa kong aksyon para takutin ang aso. Nakalipas ang ilang segundo at wala naman akong naramdaman na sakit. Nalaman ko lamang ano ang nangyari noong nakita ko ang dugo na nasa sahig. Tiningnan ko ang Swiss Army Knife at nakita ko ang dugo roon at ang malaking butas sa aking hita na pinaggalingan ng dugo sa sahig. Hind ako gumalaw sa aking pwesto at sumigaw lang ako hanggang dumating ang nanay ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa akin at dahil dito, wala akong ginawa at tumayo lamang ako sa gitna ng kwarto at umiyak nang malakas. Noong nakita ako ng aking nanay, agad kaming umuwi at naghinintay kami ng ilang linggo para gumaling ang aking sugat. Hindi na kami pumunta sa ospital at hinitay na lamang namin gumaling ang malaking butas na nasa aking hita. Pagkalipas ng isang buwan, gumaling na ito, pero nagkaroon ng peklat ang hita ko at hindi na siya nawala. Hanggang ngayon, nasa hita ko pa ang peklat ng sugat ko noong nasaksak ko ang sarili ko kahit na ilang taon na ang nakaraan.

Noong gabing iyon, natutunan ko ang totoong panganib ng kutsilyo sa tao. Kapag nakikita ko ang nanatiling sugat sa aking hita, naaalala ko ang aking karanasan noong gabing iyon. Sa araw na ito, hindi ko pa nakalimutan ang karanasan ko noong gabing iyon.

1 Response to "Ang Gabi Noong Nasaksak Ko Ang Sarili Ko"

Pano mo di napansin agad na nasaksak mo na sarili mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: