Mmlim14's Blog

Pilipinas Na May Gilas

Posted on: October 12, 2011

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na dapat bisitahin ng mga tao dahil ang Pilipinas ay may maraming mga magagandang katangian na hindi makikita sa ibang bansa. Isa sa mga magagandang katangian ng Pilipinas ay ang kanyang mga magagandang lugar na maaring bisitahin ng tao kapag sila ay pumunta rito. Ang isa pang magandang katangian ay ang mga Pilipino ay laging nakangiti at handang tumulong sa ibang tao.

Isa sa mga magandang lugar na maaring bisitahin sa Pilipinas ay ang mga dalampasigan ng Boracay. Ang buhangin dito ay maputi at ang dagat dito ay malinis pa. Ang Boracay ay isa sa mga laging pinupuntahan ng mga Pilipino at mga dayuhan galing sa iba’t ibang mga bansa sa mundo. Ang isa pang magandang lugar na dapat puntahan ng tao sa Pilipinas ay ang Underground River ng Palawan. Sinasabi na ito ay maaaring makasama sa listahan ng mga 7 Wonders of the World. Dahil dito, naging mas kilala ang Pilipinas sa mundo at naipapakita ang totoong kagandahan ng Pilipinas sa buong mundo. Ang Underground River ng Palawan ay nakikita lamang sa Pilipinas. Wala ito sa mga ibang bansa kaya ang Underground River na nasa Palawan ay isang natatanging lugar sa Pilipinas. Ang isa pang natatanging lugar sa Pilipinas ay ang Banaue Rice Terraces. Ito ay ginawa ng mga Ifugao na gamit lamang ang kamay. Hanggang ngayon, nakikita pa natin ang Banaue Rice Terraces na nagawa ng mga Ifugao kahit na may 2000 na taon na ang nakalipas at ginagamit pa rin ito ng mga lokal sa Banaue. Ang mga lugar na ito ay hindi makikita sa ibang bansa kaya ang mga lugar na ito ay natatangi lamang sa bansa natin. Ang isa pang natatanging bagay ng Pilipinas ay ang ugali ng mga Pilipino. Alam rin nating lahat na ang mga Pilipino ay laging handang tumulong sa tao kahit na hindi nila kilala ang mga tinutulungan nila. Nakikita natin ito kapag ikaw ay nawawala, magtanong ka lang at tutulungan ka na agad ng mga Pilipino. Makikita rin natin ang pagiging matulungin ng mga Pilipino noong naganap ang iba’t ibang mga bagyo. Makikita natin na sila ay handang tumulong sa mga nangangailangan. Naiiba ito sa mga ibang bansa dahil minsan hindi ka papansinin at minsan pagtatawanan ka pa kapag ikaw ay nagkamali. Ang mga Pilipino rin ay laging masaya. Bihira silang malungkot kahit na may mga masamang nangyayari sa kasalukuyan. Dahil dito, ang Pilipinas ay masasabing isa sa pinakamasayang bansa sa buong mundo.

Ang Pilipinas ay may iba’t ibang mga katangian na wala ang ibang mga bansa. Hindi dapat tayo mahiya sa ating bansa at kultura at dapat nating ipagmalaki ang pagiging Pilipino natin at ipagmalaki ang buong Pilipinas. Magagawa natin ito sa paraan ng pagpunta sa mga magagandang lugar sa Pilipinas at hindi na sa mga ibang bansa tulad ng Amerika. Maaari rin natin ito magawa sa pag-aaral ng kultura ng Pilipinas para mas maunawaan natin ang sarili nating bansa. Kapag nagawa natin ito, maipapakita natin na talagang mahal natin at ipinagmamalaki natin ang bayan natin.

Sources: http://www.puerto-undergroundriver.com/ http://www.philippines.hvu.nl/tourism1.htm http://www.philsite.net/banaue.htm

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: